Mas ‘Di Best ang Yes The Best sa Iligan

image
Isang sticker ng 99.3 Yes The Best - Iligan na nakapikit sa isang trisikad o pedicab.

‘The Millennials’ Choice’ daw sila, pero pati dito sa Iligan ay hindi naman pala.

What is the meaning of this?! (Ano ba ang ibig sabihin nito?!)

‘The Millennials Choice’ kung tawagin ang Yes The Best, isa sa tatlong FM networks mula sa Manila Broadcasting Company (MBC).

Mula nang ito’t inilunsad mahigit dalawang taon na ang nakakaraan ay sinubukan ng himpilang dati’y tinawag na Yes FM na maging iba sa kanilang sister station na Love Radio, bagamat nanatili pa rin ang pagiging makamasa nito, mula sa pangalan ng kanilang mga DJs, hanggang sa limitadong playlist nito, at higit sa lahat, ang madalas na pag-eere ng mga patalastas ng mga produkto mula sa ACS Manufacturing Corporation (tulad ng Pride Detergent, Star Wax at Smart Dishwashing).

Kung mapapansin natin sa kanilang pangunahing himpilan na 101.1 (sa Kalakhang Maynila) ay tila normal umano para sa kanila ang lahat ng ito. Ngunit ang totoo, malayo naman ang Yes sa pamantayan ng ilan pang mga kilalang music station sa ating bansa na may CHR (contemporary hit radio) format.

Kung ikukumpara natin ang nasabing flagship station ng Yes The Best sa mga lokal nitong mga himpilan, lalo na ang 99.3 mula sa lungsod ng Iligan, may mapapansin tayong mga pagkakaiba lalo na sa format nito. Katunayan, ayon sa aking matagal na obserbasyon sa loob ng maraming linggo, buwan at taon, mayroon akong nakikita o napapansing mga problema o isyu hinggil sa nasabing himpilan.

Ilan sa mga ito ay ang mga sumusunod:
(1) pagpapatugtog ng mga makalumang tugtugin na naririnig tuwing gabi, maging sa Sabado at Linggo;
(2) pagsasahimpapawid ng mga ‘Hayahay’ jokes ng ‘lumang’ Yes FM bago ang kanilang commercial breaks;
(3) pagkakaroon ng mga religious blocktimers tuwing madaling araw;
(4) paglalagay ng mga stickers sa mga sasakyang gaya ng dyip at trisikad o pedicab (tulad ng makikita sa itaas); at
(5) ang karamihan sa kanilang mga DJs na (a) kulang sa karanasan sa radio broadcasting, (b) may walang sapat na kasanayan sa epektibong komunikasyon lalo na sa wikang Ingles, (c) hindi gumagamit ng pangunahing lokal na wika ng mga Iliganon sa tuwing sila’y nasa himpapawid, at (d) laging papalit-palit at pabago-bago.

Mula sa mga ito, mahihinuha natin na hindi nabibigyang katuturan, katarungan at kabuluhan ang pagiging ‘The Millennials’ Choice’ ng Yes The Best – Iligan, pagkat ang format nito ay may pagkakapareho sa ginagamit ng kanilang sister station na 107.1 Love Radio – Iligan.  Ngunit hangga’t hindi pa ito natugunan ng MBC, mas lalong hindi magiging kumbinsido ang mga tagapakinig nito, lalo na ang mga kabataang Iliganon, na makinig sa himpilang ito.

Kung iniisip mo pa rin na hindi mo pa alam ang ibig sabihin nito, ngayon ay alam mo na.

Bisitahin din at i-like ang Facebook page ng The Miggy Blog: facebook.com/themiggyblog

One thought on “Mas ‘Di Best ang Yes The Best sa Iligan

Leave a comment

This site uses Akismet to reduce spam. Learn how your comment data is processed.